GINULANTANG kami ng balitang umalis na raw sa poder ni Betchay Vidanes si Robin Padilla at kung sinuman ang bagong namamahala sa kaniyang showbiz career ay hindi pa natin alam. Matagal din siyang naging artist ni Betchay na sa pagkakaalam ko ay dati lang niyang road manager (handler) sa Viva Films many years ago. Kasi, ang tunay na manager talaga ni Robin before ay ang kaniyang discoverer/mentor na si Direk Deo J. Fajardo.
Correct me if I’m wrong pero nu’ng ipinasok ni Dikong Deo si Robin sa Viva, parang ibinenta ni Direk Deo ang kaniyang management contract kay Boss Vic del Rosario. Naging instant big star si Binoe that time – he became sooo big kaya naging super in demand. And since kailangang-kailangan yata ni Dikong Deo ng dahtung noong mga panahong iyon dahil marami siyang payables, wala siyang choice kundi ang ibigay sa Viva ang pamamahala kay Robin.
Kapalit naman noon ay ilang projects na idinirek din niya sa Viva and meron naman silang personal arrangement ni Binoe which to this day ay tinutupad naman ni Robin. Naging loyal siya kay Direk Deo.
But yesterday, nakatanggap kami ng balita na nagkaayos na rin pala agad sina Robin at Betchay, nagkausap na raw nang masinsinan ang dalawa and settled their differences immediately.
Pero ang mas ikinagulantang namin ay ang pagsasampa ni Robin ng on line libel case sa isang netizen na nagkomento sa litratong ipinost niya sa kanyang social media account noong araw mismo ng eleksiyon kung saan makikita ang isang shaded ballot (with Rodrigo Duterte’s name).
After daw niyang i-post iyon ay tinanggal din niya agad pero may nakapag-screengrab nga nito at mabilis nang kumalat sa social media. Dito na nagkaroon ng sari-saring reaksiyon from the netizens – ang sabi raw kasi ay isang malinaw na paglabag ito sa Comelec rules.
Hindi ba’t pati ang pamangkin niyang si Daniel Padilla at rumored girlfriend nitong si Kathryn Bernardo ay hindi rin nakaligtas sa pamba-bash ng netizens nang kumalat din ang mga litrato nilang hawak ang kanilang balota?
Pero nakaligtas sila sa Comelec dahil hindi pa naman nila nasasagutan ang balota at hindi rin daw ito matatawag na selfie dahil galing daw sa media ang nasabing mga larawan.
q q q
Anyway, going back to Robin, ngayon ay nagpupuyos sila sa galit ng kaniyang asawang si Mariel Rodriguez dahil hindi naman daw pumunta si Robin sa kahit anong presinto noong araw ng eleksiyon.
Hindi pa raw kasi ito pinapayagang bumoto dahil kanselado pa rin ang kanyang civil rights including his right to vote matapos siyang bigyan ng presidential pardon noon. Non-voter daw si Robin kaya it’s grossly unfair para i-attack siya ng bashers.
Yung ipinost daw niya that day ay sample ballot lang kaya walang basehan ang mga netizens na nag-akusa sa kanya ng violation of election rules. Wait lang, Robin – kaibigan ko kayong mag-asawa but I have to give you a piece of my mind kung hindi mo mamasamain. Hindi ka naman pala registered voter pero bakit kung umasta ka during the campaign ay parang boboto ka?
Grabe ang pag-campaign mo heavily for Duterte, di ba? Nakarating ka pa sa Mindandao at Hongkong para magkuda nang magkuda for Duterte. Who would think na hindi ka botante eh, hindi mo naman sinabi from the very start? Sana nu’ng mag-post ka ng sample ballot sa social media account mo, sinabi mo na agad para malinaw sa lahat na hindi ka botante!
Malay naman ng mga netizen na sample ballot lang iyon eh, ipinost mo iyon sa mismong araw ng botohan without a disclaimer. Hinayaan mong magamit ang post mong iyon hanggang matapos ang bilangan. In truth, nakahatak ka talaga ng fans sa social media kung saan sobrang lakas ni Duterte. Kung talagang malinis ang kunsensiya mo, dapat nu’ng mismong araw na iyon, when people started questioning what you posted ay nilinaw mo na agad.
Pero anong ginawa mo? Nanahimik ka at hinayaang magamit ang post mong iyon para ipanalo ang manok mo? Ngayon nagagalit kayong mag-asawa sa mga netizen without realizing na kayo mismo ang may pagkakamali. Kung tutuusin ay parang nilinlang ninyo ang taumbayan dahil hindi ka naman pala botante pero nag-post ka pa ng balota? Ano’ng logic? Ano’ng motibo mo?
Galit na galit kayo sa netizens na nam-bash sa inyo sa kalokohang kayo rin naman ang nagsimula? I don’t think you have the right to react violently on this, dapat ang mga tao ang magalit. Yes, nanalo na ang manok mo kaya tama na iyon, huwag nang mag-ingay. Sikat ka na and everyone knows that.
Ibigay niyo na muna ang moment kay President-elect Rodrigo Duterte. Kaniya muna ang limelight ngayon. Let him enjoy his moment. Huwag niyo munang sapawan. Hay naku, ang buhay talaga. Ang daming kaechosan.