Anak ni Bongbong nag-sorry kay Enchong: Wala akong kasalanan!

Sandro Marcos at Enchong Dee

Sandro Marcos at Enchong Dee

KUMALAT sa social media ang tweet na mula raw sa Twitter account ng anak ni Sen. Bongbong Marcos na si Sandro kung saan tinawag na bading ang Kapamilya actor na si Enchong Dee.

Agad namang nagpaliwanag si Sandro Marcos na hindi siya ang nag-post ng sunud-sunod na mensahe sa Twitter gamit ang handle name na @sandromarcos007.

Ayon sa binatilyo, ang Twitter handle name ng anak ni Bongbong ay @sandromarcos7, ibig sabihin poser lang ni Sandro ang nasabing netizen na nag-tweet nga ng, “@enchongdee777 a gay will be a gay!” Nag-trending nga ito at maraming nagkomento.

Narito naman ang naging depensa ni Sandro sa mga followers ni Enchong na nag-react sa malilisyosong tweet, “ANOTHER FAKE ACCOUNT. Just to clarify, this is my ONLY twitter account. Those other accounts are not me and do not represent my views.”

Nag-sorry na rin daw ang anak ni Bongbong kay Enchong at ipinaliwanag ang kanyang side. Aniya, “Hey man, I understand that one of may fake accounts tweeted you, wanted to say I’d never say something like that. Apologies!” Tinanggap naman agad ni Enchong ang apology nito. Kilalang tagasuporta ni Leni Robredo si Enchong na kalaban ng tatay ni Sandro sa vice-presidential race.

Kamakailan, grabe rin ang tinanggap na pamba-bash ni Sandro mula sa mga tagasuporta ni Leni Robredo nang mag-post siya ng mensahe tungkol sa diumano’y dayaan sa nagaganap na bilangan matapos ang eleksiyon, gumamit pa siya ang hashtag “#DayaangMatuwid” na lalong ikinagalit ng supporters ni Leni.

Read more...