Pinas idedepensa ang FIBA 3×3 Asian crown

IDEDEPENSA ng Pilipinas ang titulo bilang pinakaunang kampeon sa  FIBA 3×3 U18 Asian Championships na isasagawa sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Hulyo 22-24, 2016.

Labindalawang koponan ang maglalaban-laban para sa men’s crown na nakopo ng Pinas noong isang taon at 12 koponan din ang magsasagupa para sa kababaihan.

Ang torneong ito ay inorganisa ng Malaysian Basketball Association (MABA) katulong ang private promoter na NBL Asia. Ito ay gaganapin sa loob ng Gem-In shopping mall.

Ang unang edisyon ng FIBA 3×3 Under-18 Asian Championships ay isinagawa sa Bangkok, Thailand noong Mayo 22-24 2013 kung saan inuwi ng Pilipinas ang titulo sa men’s division at ang Chinese Taipei naman ang nagkampeon sa women’s category.

Naglaro para sa bansa noon sina Rashleigh Paolo Rivero, Arvin Dave Tolentino, Ferdinand Ravena III at Kobe Lorenzo Paras. Nagwagi rin noon si Paras sa ginanap na slam dunk contest.

Hindi pa inihahayag ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) kung sinu-sino ang bubuo ng koponang ipadadala nito sa Kuala Lumpur.

Read more...