Vicki, Hayden magkakaanak na ng baby girl; 10 taon nang magdyowa

QUARK HENARES, VICKI BELO AT HAYDEN KHO

QUARK HENARES, VICKI BELO AT HAYDEN KHO

KINUMUSTA  namin kay Quark Henares ang relasyon nina Dra.Vicki at Hayden Kho, tanggap na ba nya at ng kanyang kapatid na si Cristalle ang relasyon ng dalawa.

“Okay naman na, ang tagal na rin naman kasi guys, 10 years. Ano na lang, what makes her happy, okay na, ‘yan ang na-realize ko, life is short. So go lang kung happy naman. At saka na-prove naman na ni Hayds ‘yung love niya sa mother ko,” tugon pa ng direktor.

So okay na as in OKAY na sila ni Hayden? “We’re okay, civil lang, okay na rin. Hindi kami gumigimik, mas more sila ni Cristalle, pero kaya naman din siguro.”

Diretso rin ang tanong namin tungkol sa nabalitang planong magkaroon ng anak nina Dra. Belo at Hayden kaya naghanap sila ng surrogate mother.

“I think ano, just wait. Ha-hahaha! Honestly okay naman sa amin din. Parang sila na lang ang magsabi niyan. Tanggap ko naman na magkakaroon pa ako ng little sister. Ha-hahaha!” tumatawang sagot sa amin ni direk Quark.

So may little sister na nga talaga sila? “Ha-hahaha! Hindi ko alam, I don’t know. Ayokong magsalita. In time. Let’s say na there are discussions. Matagal na nilang pinag-uusapan na 8 years ago pa na she (Belo) wants kid, nira-rush nga kami ni Cristalle na magkaroon ng apo. So unahan na lang! Ha-hahaha!” humahalakhak na sabi ng direktor.

Sa tanong kung may plano na rin bang magpakasal sina Dra. Belo at Hayden, “Well, mag-prenup, prenup muna. Ganu’n na lang. Payag ako basta may prenup,” seryosong sabi ng direktor.

Read more...