MAINIT na pinag-uusapan sa social media ang kumalat na open letter na ipinost ng isang news correspondent ng GMA 7 sa Facebook laban sa ABS-CBN reporter na si Doris Bigornia.
Nagpakilala ang nasabing GMA reporter mula sa Davao na si John Paul Sarsuelo Seniel, at idinetalye nga niya ang kanyang naging experience nang makasabay nila si Doris sa isang news coverage sa Davao.
Narito ang kabuuan ng Facebook post ni John Paul, “Miss Doris Bigornia, please act with decency when you are with your fellow members of the media.
“Maybe you did not know that we had a live report for our GMA 24 Oras Southern Mindanao Newscast, I can forgive you on that, but you acted like you did not see anyone interviewing Mr. Bong Go.
“Our DMNG Engineer Al Lim Ramz politely told you to excuse yourself from our camera since you became an eye sore to my live report. Mr. Bong Go and I were on cam, but you immediately scolded him and even told him ‘sapakin kita’.
“I don’t care who you are, yes you are Doris Bigornia of ABS CBN, nauna kayo sa amin sa media, hindi pa ako nakarating sa trabaho na ito, napapanood na kita sa TV.
“Pero nakakabahala ang inasta niyo. Regional Media kami, oo, pero kahit ihilera ka sa amin dito sa region, namumukod tangi kami sa rehiyon namin dahil rehiyon namin ito. Kahit sa rehiyon namin, hindi kami pa star, we work with humility and authority.
“You have shown disrespect sa mas nakababata sa inyo. Huwag po kayong pa Star dahil kahit kilala po kayo ng karamihan, hindi niyo po nasisiguro kung gusto ka ba nila.
“I opened this up kasi nababastosan kami sa inaasta mo. Pilipino naman po tayo. Yes our companies compete against each other, but we are still Filipinos and we should respect each other sa kung anumang trabaho meron tayo.
“I have heard a lot of negative things about you, and now i fully witnessed a glimpse of your character. But I thank you for the opportunity of testing our character in the midst of a live report, i was not distracted. We stood with good character and we delivered well.
“Mindanaoans like my team (MELCHOR, JP, ALLAN) lighted a candle of good reportage and everybody follows.
“TO GOD BE THE GLORY.”
Habang sinusulat namin ang balitang ito, wala pang inilalabas na official statement si Doris. Hiningan na rin namin ng reaksiyon ang ABS-CBN tungkol dito pero hindi pa nila kami sinasagot. Hintayin na lang natin kung paano idedepensa ni Doris ang kanyang sarili sa open letter ng nasabing GMA reporter.
MOST READ
LATEST STORIES