6-team, 16-player trade inaprubahan ng PBA

ANIM na koponan sa Philippine Basketball Association (PBA) ang nagsagawa ng pagbabago sa mga lineup nito habang inaabangan ang pagbubukas ng Governors’ Cup.

Matapos na maudlot ang kanilang orihinal na five-player trade, nakuha ng Globalport Batang Pier si Karl Dehesa mula Mahindra Enforcers kapalit nina Roi Sumang at Paolo Taha.

Pinadala naman ng Mahindra si Sumang sa Blackwater kapalit ni Keith Agovida.

Nagbago rin ng lineup ang Phoenix Petroleum Fuel Masters matapos makuha sina Mark Borboran at Simon Enciso mula sa NLEX Road Warriors.

Nakuha naman ng Road Warriors sina Mac Baracael, Emman Monfort at 2018 second round draft pick ng Fuel Masters bilang kapalit.

Nagsagawa rin ang Star Hotshots ng pagbabago sa kanilang roster matapos makuha sina RR Garcia at Rodney Brondial mula Phoenix at Keith Jensen mula Globalport.

Naunang nakuha ng Hotshots sina Jensen at Jonathan Uyloan mula sa Batang Pier para kina Yousef Taha at Ronald Pascual bago pinamigay sina Uyloan at rookie players Mark Cruz at Norbert Torres sa Fuel Masters para kina Garcia at Brondial.

Inaprubahan naman ng Office of the Commissioner ang mga nasabing trade kahapon.

Read more...