Reklamo ng mga manonood: ROCCO, LOVI ang bastos ng ginawa sa party pilipinas!

lovi and roccoKailangang imbestigahan agad ng MTRCB…bakit daw nakalusot

GMA 7 seems bent on stirring controversy para pag-usapan ang Party Pilipinas na tila hindi nakakahabol sa rating ng ASAP.

Last Sunday kasi ay marami ang nagulat when Lovi Poe and Rocco Nacino were featured in a production number habang nasa kama.

It was, to some televiewers, really a bad taste dahil ang daming nanonood na bata.

Ang feeling ng ilan, naging insensitive ang network when it allowed Lovi and Rocco to cavort while in bed sa tanghaling tapat.

Sa internet na lang namin napanood ang nasabing production number ng dalawa at we, too, were surprised at the AUDACITY of the show na magpakita ng ganoon kaselang number.

Parang eksena sa bar ang ginawa ng dalawa.Meron pang isang scene kung saan naka-harness silang dalawa habang magkayakap sa ere while Jay-R was singing.

There was one scene na pumatong pa si Lovi kay Rocco na bare-chested.

Ang dami raw nag-react sa eksenang ‘yon nina Lovi at Rocco.

Ang tanong ng marami, paano raw nakapasa ang ganoong eksena sa MTRCB?

Rudi Jean Casa Fajardo who was obviously upset by the production number said on Facebook, “Kaya nga talo cla nang asap mula noon hanggang ngaun kasi hndi maganda show nla. hahaha.”

“Kakaloka kanina, ung ky lovi poe, seguro nakalimotan nila, akala nasa kwarto sila,” sabi naman ni Rosalie Abella Abuhan Cantarona.

Big turn off naman si Linda Lindo who said, “Ano vah yan! dna tlaga maganda sa mga batang nanonood offfffffff.”

Reima Lec Celeystine also showed her disgust over the number, “Hu ever conceptualized der theme kani s a goddamn STUPID! araw ng linggo at buong pamilya ang nanunuod tapos seduction ang tema?! hahay, dey just want publicity kasi d maungusan ang ASAP!” she said.

“Ok lng naman sana pero mas n bother ako sa last na eksena where nagtaklob sila ng kumot habang nakapatong c lovi kay rocco…i thought hindi yun fit for noontime television…nag initiate sila ng thingking na meron silang ginagawang ginagawa lamang at pwd lamang mapanood sa gabi kasi aminin natin medyo may nanonood din na mga bata.kahit iilan,” sabi naman ni Badidi Labra.

Actually, ang dami pang negative comments sa Coco-Lovi production number na talaga namang ikakaloka tiyak ng GMA executives.

Anyway, kung nagpapapansin ang network  ay nakuha nila obviously ang attention that they were looking for.

Pinag-usapan sila sa internet, ‘yung nga lang, puro negative.

Oo nga pala, may  nagtanong kung bakit hindi nag-show ang Party Pilipinas sa Dinagyang Festival sa Iloilo.

Wala ba silang pamasahe? Teka, akala ko ba nagpapalakas ng kanilang regional services ang GMA, bakit wala nga silang show doon?

Any answer from the GMA Corporate PR?

Read more...