DESTINY na maituturing sa pagka-panalo ni Davao City Mayor Digong Duterte sa pagka-Pangulo at ni Congresswoman Leni Robredo sa pagka-Vice President.
Nasa kanila ang planetary alignment, ‘ika nga, ayon kay George Sison, isang clairvoyant at practitioner ng Seven Planetary Cycle Theory o yearly biorhythm.
A clairvoyant can look into the future.
Maaaring maituturing si George na manghuhula although ayaw niyang tawagin siyang manghuhula.
Ayon kay Sison, nasa first cycle sina Duterte at Robredo mula ng kanilang mga birthday.
Sabi ni Sison, the 345 days of the year are divided into seven cycles.
Ang bawat cycle, mula sa birthday ng isang nilalang, ay 52 days.
Si Duterte ay may birthday ng March 28.
Si Robredo naman ay ipinanganak ng April 23.
Sakop sina Digong at Leni ng kanilang first cycle dahil sa kanilang mga birthday.
Ang first cycle, ayon kay Sison, ay punong-puno ng expected and unexpected blessings para sa mga taong sakop nito.
Ang mga nakaraang Pangulo ng bansa na sakop ng first cycle dahil sa kanilang buwan at araw ng kaarawan ay sina Gloria Macapagal-Arroyo, April 5, Joseph “Erap” Estrada, April 19, nang maganap ang eleksiyon sa May 9.
Si Cory Aquino, na may birthday ng Jan. 25 at ang kanyang anak na si Pangulong Noynoy ay Feb. 8.
Ang mag-inang Aquino ay sakop naman ng second cycle nang maganap ang eleksiyon sa May 9.
Pinagpapatuloy ng second cycle ang magandang kapalaran sa first cycle.
Tingnan natin kung ano ang estado ng napanganak sa ibang cycles.
Sa kanyang third cycle, pinakamalakas physically ang isang tao.
Yung gusto mong ma-sexually satisfy ang iyong partner ay dapat nasa third cycle ka umarangkada sa sex dahil kalakasan mo ang cycle na ito.
Sa kanyang fourth cycle, kailangang magpahinga ang isang tao dahil sa cycle na ito siya’y pinakamahina at pinakamalas.
Ang napanganak na sakop ng fifth cycle ay tinatawag na success cycle.
Ang mga kandidatong ipinanganak na sakop ng fifth cycle ay sina Bongbong Marcos, Chiz Escudero at Grace Poe.
Ang kaso, talo ng mga first cycle ang mga nasa fifth cycle sa mga competition, gaya ng sports, o maging sa eleksiyon, ayon kay George Sison.
Ang seventh cycle, kung saan sakop si Mar Roxas, ay tinaguriang karma cycle.
Sa kanyang seventh cycle darating sa isang tao ang maganda o masamang karma ayon sa kanyang nagawang kabutihan o kasamaan.
Tanungin natin si Roxas kung anong nagawa niya na naka-ani siya ng masamang karma sa May 9 election.
Nasa kanilang planetary alignments, ani George Sison, sina Duterte at Robredo nang maganap ang May 9 election.
Ang buhay nga naman!
Parehong ayaw nina Duterte at Robredo na tumakbo; pinilit lang sila.
Si Mayor Digong ay pinilit ng kanyang mga kaibigan, at maging mga mamamayan ng Davao City, na tumakbo bilang Pangulo.
Si Congresswoman Robredo naman ay pinilit ng Liberal Party at ni Roxas na tumakbo pagka-Vice President.
Si Roxas at ang yumaong esposo ni Leni, si Interior Secretary Jesse, ay magkaibigang matalik kaya’t hindi mahindian ni Leni.
Para sa mga detalye tungkol sa Seven Planetary Cycles, sumulat kay Sison sa kanyang email address na georgedfsison@gmail.com.
By the way, Sison is my fellow columnist at the Philippine Daily Inquirer and his column appears every Sunday at the Lifestyle section.