‘Just The 3 Of Us’ nina Jennylyn at Lloydie may part 2 na raw

By Ervin Santiago May 12,2016
share this

‘Just The 3 Of Us’ nina Jennylyn at Lloydie may part 2 na raw

By Ervin Santiago May 12,2016
share this

john lloyd cruz

PINAG-UUSAPAN na raw ng mga bossing ng Star Cinema ang part 2 ng “Just The 3 Of Us” nina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado.

Mismong ang direktor ng pelikula na si Cathy Garcia-Molina ang nagbalita nito nang mainterbyu ng ABS-CBN kamakailan.  Ayon sa Star Cinema, umabot na sa P100 million mark ang kinita ng Jen-Lloyd movie sa loob lang ng anim na araw.

“Yes, I think parang pinag-uusapan na, mukhang may part two na. Kung hindi man part two, they’d do another film,” sey ni direk Cathy. Dagdag pa nito, “Hindi pa kami nakakapag-usap kasi si JL galing Malaysia, so hindi pa kami nagkikita. Si Jennylyn, hindi pa rin. Pero maraming salamat sa lahat ng mga nanood at nagpakalat na ito’y worth watching.”

Napanood na rin namin ang “Just The 3 Of Us” at agree kami sa mga nagsabing mas nakakakilig at mas nakakatuwa ito sa past rom-com movies ni Lloydie. At isa rin kami sa mga maghihintay ng part 2 ng pelikula dahil deserving talaga itong magkaroon ng sequel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending