Miko Sotto buhay na buhay pa rin sa alaala ni Angel

angel locsin

HANGGANG ngayon ay buhay na buhay pa rin sa isip at puso ni Angel Locsin ang namatay niyang boyfriend na si Miko Sotto.

Sa kanyang Instagram account, muling inalala ng Kapamilya actress ang kaarawan ni Mico na 34 years old na sana noong May 10. Sumakabilang-buhay ang anak ni Ali Sotto noong December 29, 2003 matapos mahulog mula sa 9th floor ng isang condominium sa Mandaluyong City.

Nag-post si Angel ng litrato ng mga bulaklak at isang kandila na may sindi at nilagyan ng caption na: “Happy birthday Mikolet steady ka lang dyan.”

Sa mga nakaraang panayam kay Angel, lagi nitong sinasabi na si Miko ang nagturo sa kanya na maging matapang at kung paano ipagtatanggol ang kanyang sarili kung kinakailangan.

Sa pagkakaalam namin si Miko ang unang showbiz boyfriend ni Angel at matagal din silang naging magkaibigan kaya naman until now ay hindi pa rin niya nakakalimutan ang binata.

Read more...