Zsa Zsa sa napurnadang kasal: Sa edad kong ito nagkakamali pa rin naman ako

zsa zsa padilla

“SA edad kong ito, nagkakamali pa rin ako sa buhay!” Ito ang mariing sinabi ni Divine Diva Zsa Zsa Padilla tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang fiancé na si Conrad Onglao.

Nakorner ng entertainment media si Zsa Zsa sa red carpet premiere para sa digitally-restored version ng classic movie niyang “Batang PX” at dito nga siya unang nagsalita matapos silang maghiwalay ni Conrad at umatras sa kanilang kasal. Sey ng singer-actress nasa healing process siya ngayon at tina-try na mabuhay uli ng normal after the break-up.

“I’m healing. I’m in the process of healing. Pero kaya pa rin tayo nandito, nabubuhay, to learn. It’s a never-ending process of learning, di ba? Ganu’n talaga, e,” pahayag ni Zsa Zsa sa panayam ng ABS. “Kahit ganito na ang edad, natin hindi tayo natatapos sa life lessons so yun ang mga sinulat ko kung ano ang mga natutunan ko dito and hopefully not to commit the same mistakes again,” aniya pa.

Kuwento pa ni Zsa Zsa, lahat daw ng natutunan niya sa pakikipagrelasyon kay Conrad ay isinulat niya para pwede niyang balik-balikan, “So, yun ang mga isinulat ko, kung ano yung mga natutunan ko. And hopefully, not to commit the same mistakes again.”

Nagdesisyon din ang Divine Diva na huwag nang masyadong gumamit ng social media para maprotektahan ang kanyang pribadong buhay, “Eto na ha, to keep your private life private kasi masyado ako na enganyo dyan sa social media.  “Simula ng maging kami ni Dolphy, my life has been public so ngayon I have to keep my life private. I have to keep something for myself,” dagdag pa ng singe-actress.

Read more...