Liza Dino sa ilang KathNiel fans: Walang modo!

liza dino

SPEAKING of KathNiel, pati pala si Liza Dino, asawa ni Aiza Seguerra ay nakipagsagutan sa mga fans nina Daniel at Kathryn na halos isumpa na siya nang dahil sa ipinost nito sa kanyang Instragram.

Depensa ni Liza, “Ayokong mainvolve sa away ng mga fans. But obviously Kathniel fans made this into their personal fight, calling me names and defending their idols at whatever cause. I don’t want any part in this.

“I’ve always been for fairness at kahit kailan hindi ako gumawa ng issue para lang magpasikat. I am for everyone else here who feels na parang nagkakaroon ng exemption just because they are artists.”

Hirit pa ni Liza, “I SAW HOW RUTHLESS SOME OF YOU CAN BE. Ginagatungan nyo rin ang mga tao para magsabi ng masama. Sinasabihan ninyo ng tanga at bobo.

“Sa tingin nyo you’re protecting your idols by doing that? NO. Lalong maraming nagagalit sa kanila dahil napakawalang modo ng iba sa inyo. So don’t blame me,” ang matapang pang sabi ni Liza.

Read more...