Vice sinupalpal ang mga maeepal na Pinoy

vice ganda

BONGGA naman para sa amin ang mga hirit ni Vice Ganda nitong nakaraang halalan.

Noong araw ng eleksiyon ay muli itong nagpahayag ng kanyang emosyon hinggil sa mga kapwa celebrities na wagas kung mambatikos sa mga kandidato pero hindi naman daw pala mga botante.

Pero mas winner ang emote niya kaugnay ng naging viral photos nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa loob mismo ng kanilang mga presinto, at sa isang principal sa presintong kanyang pinagbotohan.

Gusto kasing magpa-selfie ng naturang principal kay Vice na nanindigan sa Comelec rule na ang bawal-bawal at hindi dapat gawing exemption porke artista o sikat.

Kaya naman binash siya ng husto nang KathNiel fans dahil inakala nilang ang mga idolo nila ang pinatatamaan ni Vice.

Read more...