P-noy umariba uli ang kayabangan, sinisi pa sa pagkatalo ni Mar Roxas

mar at noynoy

NGAYONG tapos na ang eleksyon at maliwanag (nga ba?) nang nagsalita ang sambayanan, sana naman ay magbalik na uli sa normal ang lahat.

Mahirap mang gawin, pero sana simulan ito mismo ni Pangulong Noynoy Aquino na may emote pang nanalo pa rin daw sila at sinunod pa ring iboto ng tao ang mga minanok nila.

May yabang factor pa rin kasi ang Pangulo at hindi talaga nakakatulong sa panawagan nilang “healing of nation” ang mga ganyang drama. Komento nga ng ilang netizens si P-Noy ang isa sa mga rason kung bakit natalo si Mar Roxas.

Tama na. Sobra na. Napalitan na ang mga ganyang pagkukuda at pagmamarakulyo, pagiging benggador. Di ba, Kris Aquino?

Read more...