Robin nagbanta, mga bully sa social media kakasuhan

TILA nagbanta si Robin Padilla ng demanda laban sa mga netizens na nag-post ng kung anu-anong malilisyosong mensahe tungkol sa kanya at sa asawang si Mariel Rodriguez.
Ayon kay Binoe, maraming naglabasang balita nitong nakaraang eleksiyon kung saan pinalabas na meron siyang nilabag na election rules matapos siyang mag-post ng “shaded ballot” sa kanyang Instagram account.
Ipinaliwanag ni Robin na hindi siya bumoto noong May 9 at wala rin siyang pinuntahang voting precinct dahil hindi naman siya botante.
Sa kanyang Facebook page, inilahad ni Binoe kung bakit hindi siya pwedeng bumoto, “I am posting this letter from my lawyer to inform the public that I am not tolerating the present assassination of my character.
“My Honor is the only thing that I have in my life. Freedom was taken away from me since 1995.
“Presently, I am still in conditional pardon without any civil rights,” aniya pa.
Kung matatandaan, sinintensiyahan ng korte si Robin ng 21 taon pagkabilanggo dahil sa kasong illegal possession of firearms noong 1995. Ngunit nakalaya siya mila sa Muntinlupa National Penitentiary matapos bigyan ng conditional pardon ng Malacañang noong 1998.
Narito ang ilan pang bahagi ng FP post ng mister ni Mariel, “And now 2016 elections came, me without any Voting Rights am being judged by some netizens for violating election rules while voting.
“If I did something to this effect I am calling the Comelec to arrest me and put me to jail if proven that I went to a precinct, voted and took pictures of an official ballot.
“If proven otherwise then the legal battle should start and make the guilty answer for their actions especially the bullying.”

 

Read more...