ANG dasal ko lang kay bagong Pangulong Digong Duterte, he makes good his promises dahil iyon ang ikinapanalo niya. He has to work double time for the security of the Filipino people. Tigilan na ang mga bengga-bengga – let’s all move on to a new phase on Philippine politics. Kailangang maging peaceful ang bansang ito – na hindi tayo nabubuhay sa likod ng takot at kung anupaman.
Bawasan na rin sana niya ang walang-humpay na pagmumura na wala na sa lugar dahil baka maraming mga kabataan ang gagaya sa kaniya. Tigilan na rin sana niya ang cursing para lalo siyang mahalin ng buong sambayanan. Sabi nga nila, presidency is destined kaya huwag sana niyang i-disappoint ang mga Pinoy. Wait lang, what’s this I heard that right after she voted last Monday ay umalis muli palabas ng bansa si Kris Aquino? Sino ang kasama niya? Mga anak niya?
“Tumalilis ang lola Kris mo after she cast her votes. Alam na siguro niya ang magiging kapalaran niya pag nanatili siya rito sa Pinas. She will be away daw for two to three months or even more. Check mo kung nasaan siya ngayon,” anang isang kaibigan namin habang nagdi-dinner kami sa bahay nila.
Kahit away-bati kami ni Kris, I also feel for them. It’s not easy to be in her shoes – dati she has very big shoes to fill in pero ngayon, she has smaller shoes than all of us. Mahirap ang katayuan nila, hindi pa malinaw ang scenario. In a way ay nakakaawa rin si Kris – silang mag-anak – dahil sa kanila nakatuon ngayon ang mga kakampi ng bagong pamahalaan.
After all, we had many good times as much as bad times with her and her family. Kaya lang naman nanalo si Duterte because people were so disappointed sa pamamahala ng kaniyang Kuya Noynoy na pinaasa lamang ang mga tao ng magandang buhay sa pamamagitan ng lubak-lubak na daan. So sad but that’s the truth.
Nai-imagine ko na ang unti-unting pagbabaklas ng mga billboards ni Kris all over the country in the next months dahil tiyak na may papalit na sa kanyang trono. Poor little rich girl, di ba? Still, I miss Kris. Kahit nakakabuwisit at times. Ha-hahaha!
Good luck, my dear Republic of the Philippines. We are praying for a better tomorrow. God bless us all. Mwah!