MARICEL na-develop na raw kay GERALD, pinagselosan si MAJA?

gerald maricelKaya biglang sumabog ang galit kay Budoy

Haharap sa ilang entertainment press ngayong araw ang producers ng seryeng Bukas Na Lang Kita Mamahalin at curious kami kung ano ang ikukuwento nila tungkol sa tunay na dahilan kung bakit nawala si Maricel Soriano sa serye na gaganap sanang ina ni Gerald Anderson.

Aaminin kaya nila ang tsikang na-develop daw si Marya kay Gerald at sobrang nagselos ang Diamond Star nang malaman niyang girlfriend na ng aktor si Maja Salvador?

Curious din kaming malaman kung trulili ang nakarating na balita sa amin na sa isang party kung saan present ang cast ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin ay medyo nalasing daw si Maricel at panay daw ang dikit nito kay Gerald?

Ilan lang ito sa mga kuwentong nakarating sa amin kaya siguro mas pinaboran ng management si Gerald na manatili sa serye kaysa kay Maricel.

Samantala, marami naman ang nanghinayang sa nangyari dahil marami talaga ang nag-aabang sa muling pag-arte ni Maria sa isang teleserye ng ABS-CBN.

Sa totoo lang naman, napakahusay pa rin niyang aktres.

Read more...