NAGSAGAWA ng best of five na toss coin matapos magtabla ang dalawang kandidato para sa pagka-mayor sa Bocaue Bulacan matapos kapwa makakuha ng botong 16,694.
Nanalo si Joni Villanueva sa ginawang toss coin nila ng katunggali na si Jim Valerio.
Lumabas ang tail side na siyang pinili ni Villanueva, dahilan para siya ang itanghal na nanalo, matapos namang head ang piliin ni Valerio.
Nagkaroon pa ng tensyon sa pagitan ng dalawang kampo matapos kwestiyunin ang nasabing proseso na anila ay maaring pagmulan ng pandaraya.
Sinabi naman ng Commission on Elections Municipal Board of Canvassers na pinangungunahan ni Municipal Chairman Deogracias Danao na ligal ito sa ilalim ng Comelec Resolution No. 10083 kung saan maaaring magsagawa ng draw lots upang makapagproklama ng nanalong kandidato para sa pagka-mayor kung magiging tabla ang resulta ng nakuhang boto.
Si Danao ang nagsagawa ng best of five toss coin kung saan tatlong beses na sunod-sunod lumabas ang tail side ng barya na pinili ni Villanueva
Naiproklama na si Villanueva ganap na ala-1:30 ng hapon.
Anak si Villanueva ni Jesus is Lord evangelist Bro. Eddie Villanueva at kapatid.