Suportahan natin ang mananalo

NAGSALITA na ang taumbayan sa pamamagitan ng balota.

Dapat nating suportahan ang sino mang nanalo sa eleksiyon sa pagka-Pangulo kahit na iba ang kandidato na ating ibinoto.

Magkaisa na tayo bilang isang bansa.

May mga indikasyon na si Davao City Mayor Rody Duterte ang mananalo sa pagka-Pangulo.

Bigyan natin siya ng pagkakataon na maipakita ang kanyang kakayahan bago natin sabihin na hindi siya magtatagumpay.

Oo nga’t marumi ang kanyang bibig, pero ginagalang niya ang kababaihan gaya ng paggalang niya sa kanyang yumaong ina.

Inaamin niyang siya’y babaero, pero ituro mo sa akin ang isang may asawang opisyal na walang girlfriend at sasabihin ko sa harapan niya na siya’y ipokrito at sinungaling.

Tanungin rin ninyo ang mga negosyante sa Davao City kung sila’y kinotongan ni Duterte o ng kanyang mga tauhan sa City Hall.

Incorruptible si Duterte kung pera ang pag-uusapan.

Yung mga reports na siya’y may malaking pera sa bangko ay hindi totoo.

Ipakikita ni Duterte ang kanyang mga bank accounts matapos ang kaguluhan dulot ng eleksiyon.
Duterte has brought order and discipline in Davao City na plano niyang gawin sa buong bansa.

Hindi iba ang pamamalakad ni Duterte kay dating senador at ngayon at tumatakbong muli sa Senado na si Dick Gordon.

Sa Subic Freeport Zone (dating US Naval Base), napasunod ni Gordon ang mga drayber na sumunod sa batas trapiko.

Walang corrupt na traffic enforcers sa Subic Freeport. At least noong panahon ni Gordon.

Nagawa ni Duterte na maging isa sa pinakaligtas na lungsod sa buong mundo.

Dati-rati ay pugad ng kriminal at nagtitinda ng droga ang Davao City.

Maraming report na election terrorism and cheating sa buong bansa.

Walang tigil ang aking telepono sa pagtanggap ng reports ng election irregularities kahapon.

Nakaabot kay retired Maj. Gen. Alexander Aguirre—executive secretary noong panahon ni Fidel Ramos at national security adviser noong panahon ni Joseph Estrada—at siya’y nanawagan sa dati niyang mga kasamahan sa militar at pulisya na gawing malinis ang halalan.

Ito ang pinadalang text message at e-mail sa mga sundalo at pulis kahapon:

“I just received a disturbing report from a concerned citizen about uniformed men, reportedly soldiers and local PNP, harassing people from voting in Dipolog City .

“This might be happening in other areas, so (I’m addressing this to the) Chief of Staff, AFP, and Chief, PNP: Please immediate action.

“I also call upon you and your commanders in the field to do what we taught you during FVR’s (Fidel V. Ramos’) time.

“I used to be your Chief of Operations, J-3, Armed Forces of the Philippines; Chief of Operations, C-3, Philippine Constabulary/Integrated National Police (PC/INP); and Capcom (Capital Region Command) commander and director, Metropolitan Police Force (MPF).

“HOPE. Honest, Orderly, Peaceful Elections.

“Do not allow your men in the field to thwart the people’s will. Let our people vote freely, do your sworn duty, be ever patriotic.

“Remember, politicians come and go but you remain in your profession till your retirement. Protect the people’s will.”

Si Aguirre ay valedictorian ng Class 1961 ng Philippine Military Academy (PMA).

Naging No. 11 siya noong 1971 Bar exams at ngayon ay isang practicing lawyer.

Hindi kasapi si Aguirre sa anumang political party o kampo ng isang kandidato.

Read more...