Nadine kay James: I’ll always be your partner in crime!

jadine web

HALATANG nagulat talaga si James Reid nang matupad instantly ang kanyang birthday wish sa ASAP 20 last Sunday. Natanggap ng Kapamilya hunk ang kanyang platinum award para sa outstanding sales ng kanyang album na “Reid Alert.”

Ayon kasi kay James, bago pa ihayag na umabot na sa platinum status ang kanyang latest album, nakikipagkuwentuhan siya sa mga hosts ng ASAP na sina Robi Domingo at Alex Gonzaga na sana raw ay bumenta pa nang bongga ang kanyang album. Kaya naman nasorpresa talaga siya nang biglang i-announce ng Viva Records ang bago niyang achievement.

“Wow, thank you so much. Thank you so much to all the fans who bought the album. Thank you Viva, Dreamscape, ABS-CBN, ASAP and all my sponsors,” chika ni James na magse-celebrate ng kanyang 23rd birthday bukas, May 11.

Sinorpresa rin ni Nadine Lustre ang kanyang boyfriend with her sweet recorded video message. Ani Nadine, “Hi James happy birthday. Ang wish ko sa ‘yo, all the happiness that you desire.
“Lagi mong tatandaan that I’ll always be here for you and I’ll always be your partner in crime. Happy birthday. I love you,” sey pa ng dalaga.

Bukod naman sa platinum award na tinanggap ni James, isa pang birthday wish niya ang natupad, ang pagtabo sa takilya ng pelikula nila ni Nadine na “This Time” under Viva Films.
Hanggang ngayon ay pinipilahan pa rin ang nasabing movie dahil na rin sa positive reviews ng mga nakapanood na.

Read more...