Estrada kampanteng mananalo muli bilang mayor sa Maynila

JOSEPH ESTRADA

JOSEPH ESTRADA


KUMPIYANSA si Manila Mayor Joseph Estrada na mananalo muli sa halalan sa lungsod.
Bumoto si Estrada, kasama ang kanyang asawang si dating senador Luisa “Loi” Ejercito ganap na alas-10 ng umaga sa P. Burgos Elementary School.
Sinabi ng dating pangulo na makukuha niya ang ikalawang termino bilang mayor ng Maynila sa kabila ng pagsasanib puwersa ng kanyang mga katunggali na sina dating mayor Lito Atienza at Alfredo Lim.
Muling iginiit ni Estrada ang suporta kay Sen. Grace Poe.

Read more...