Kampo ni Roxas sa PPCRV: Malaya kayong inspeksyunin ang mga umano’y VCMs sa Novotel

roxas
HINAMON ng kampo ni Liberal Party standard-bearer Mar Roxas ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na mag-inspeksyon sa isang hotel sa Cubao, Quezon City kung saan umano natagpuan ang mga vote counting machines (VCMs).
Sinabi naman ni administration coalition spokesperson at Akbayan Rep. Ibarra “Barry” Gutierrez na dapat humingi ng sori ang PPCRV sakaling mali ang alegasyon.
Nagpahayag din ng pagkadismaya si Roxas sa tsismis, sa pagsasabing kalokohan ang umano’y alegasyon.

Ayon sa ulat ng mga volunteer ng PPCRV, natagpuan umano ang mga VCMs sa pitong kuwarto ng Novotel Hotel sa Araneta Complex na pag-aari ng pamilya ng Araneta-Roxas.
“There is absolutely no truth to the rumor that there are VCMs in Novotel. First of all, the COMELEC (Commission on Elections) has fully accounted for all VCMs, each of which has a unique ID that allows the COMELEC to know where it is. This means it is impossible for anyone to misplace these machines,” sabi ni Gutierrez.
Idinagdag ni Gutierrez na dapat sabihin ni PPCRV chairperson Henrietta de Villa ang mga precinct numbers ng mga umano’y VCMs.
“Should she fail to do so, we expect Ms. De Villa to issue an apology and attestation of the truth with the same enthusiasm and alacrity she displayed in repeating this rumor,” dagdag ni Gutierrez.
Kinuwestiyon din ng kampo ni Roxas ang timing ng paglalabas ng pahayag na ginawa sa araw mismo ng eleksiyon at hindi bago ang halalan.
“Nonetheless, to dispel all doubts, we support a full inquiry into this,” ayon pa kay Gutierrez.
“Like all Filipinos, we support honest and credible elections. Spreading baseless and unsubstantiated rumors is not only irresponsible, but also illegal as it undermines the credibility of the electoral process,” dagdag ni Gutierrez.

Read more...