PNoy, mga kapatid, nakipila sa pagboto

NAKIPILA si Pangulong Aquino at ang kanyang mga kapatid bago pa tuluyang makaboto Lunes ng umaga sa Tarlac City.

Si Aquino, suot ang kulay light brown na t-shirt at maong na pantalon, ay dumating sa Central Azucarera de Tarlac Elementary School alas 9:25 ng umaga.  Kasama niya ang mga kapatid na sina  Maria Elena “Ballsy” Aquino-Cruz at Aurora Corazon “Pinky” Aquino-Abellada, at kanilang mga asawa at mga anak.

Nakailang minuto rin ang pangulo sa kanyang pagboto at kinilatis isa-isa bago tuluyang ipasok sa VCM ang kanyang balota.  Natapos siya sa pagboto alas 10:10 ng umaga.

Makikita si Aquino na umupo sa isang  monobloc chair katabi ang mga kaanak at ilan ding botante, habang nakaabang ang iba pa.

Babalik din agad sa Maynila ang pangulo pagkatapos ng kanyang pagboto.

Read more...