Ate Guy na-bad trip, pinalitan sa bagong pelikula kahit nakapag-shooting na

 

 

WISH ng mga Noranian na sana talaga ay gawin na ng Superstar na si Nora Aunor ang in-announce niya na pagpapagamot niya sa darating na Hulyo sa Amerika. Mismong si Ate Guy ang nagsabi na aalis siya sa July this year patungong US para magpagamot sa presscon ng special episode niya for Mother’s Day ng Maalaala Mo Kaya.

Hindi lang niya sinabi kung hanggang katagal ulit siya mawawala sa bansa. Pero sandali lang naman daw ang operasyon. Ang matagal daw ay ‘yung pagpapagaling. “Gusto ko nang matuloy magpagamot. Para pagbalik ko makakanta ulit ako. Pinapa-ngarap ko na ‘yun, e,” masaya niyang banggit.

Tinanong namin si Ate Guy kung manggagaling ba kay Kris Aquino ang pamasahe niya sa eroplano gaya nang ipinangako ng Presidential Sister nu’ng huli siyang mag-guest sa Sunday talk show nila noon ni Boy Abunda na The Buzz.

Sandaling natigilan si Ate Guy pagkatapos ay sinabi niya na huwag na raw pag-usapan ang wala sa presscon niya. Pagkasabi nito ay ibinuka niya ang suot na leather jacket at ipinakita ang pangalan ng Presidential candidate na iboboto niya sa suot niyang t-shirt. But definitely, hindi ang name ng administration candidate for President ang nakasulat sa t-shirt ni Ate Guy, huh!

Ang $64 question ay kung itutuloy pa kaya ni Kris ang pa-ngakong “pamasahe” ni Ate Guy papuntang US. And then, we asked her again kung sino naman ang mga Senador na iboboto nya.
“Dalawa lang,” sey ni Ate Guy. Bago pumunta ng Amerika, panay din ang shooting ng pelikula ni Nora. Nalungkot lang siya when she mentioned about a film na nag-shoot na siya pero bigla raw siyang pinalitan sa cast.

“Opo, ‘yung (movie about) sa minahan. Hindi ko lang po alam kung bakit ako pinalitan. Pero huwag na ninyo akong tanungin tungkol doon kasi ayoko ng intriga,” lahad niya. Meron daw siyang naumpisahan na bagong pelikula sa direksyon na si Christian Montero, “Dalawang araw po kami doon hanggang ngayon, at isang magandang pelikula rin po ‘yun kapag natapos po ‘yun.

“Isa po ‘yung pelikula na gusto kong mapanood ng mga tao sapagkat ito po ‘yung nangyari, totoong nangyari sa Bata-ngas, ‘yung minasaker ang buong pamilya. Kaya ‘yun din po ‘yung gusto kong mapanood ng mga tao,” kwento pa ni Nora. After this movie, wish namin ay alukin na ng Star Ci-nema si Nora ng pelikula at mapasama sa listahan ng kanilang blockbuster films.

Read more...