NGAYON na ang panahong pinakahihintay ng sambayanang Pilipino! Bukas-makalawa ay magkakaroon na tayo ng ideya kung sino na ang bagong magi-ging tagapamuno ng ating bayan.
Kailangang gamitin ng mga Pinoy ang kanilang karapatang bumoto sa maghapong ito, kailangan nating magkaroon ng partisipasyon sa pamimili ng mga bagong mauupo sa ating pamahalaan, huwag nating sayangin ang pagkakataong magkaroon ng mga positibong pagbabago sa ating gobyerno.
Marami tayong pamimi-liang pangalan. Busisiin natin ang kanilang kartada, husgahan natin ang kanilang mga pangako at plataporma, bantayan natin ang mahalaga nating boto para sa mga karapat-dapat.
Napakarami nilang nangako ng magandang bukas para sa a-ting bayan, ginawa nilang paraiso ang kapaligiran ng ating bansa sa pamamagitan ng kanilang mga kuwento, mula du’n ay pilitin natin na gamit ang ating isip at puso kung sino sa ating palagay at pakiramdam ang tutupad sa kanilang mga pangako.
Maraming pangakong nananatiling pangako lang na napapako, huwag na tayong magbigay ng mahalaga nating boto sa kapos naman sa paggawa, piliin natin ang may sinserong hangad na baguhin ang mga dating negatibong kalakaran sa ating pamahalaan.
Limang pangalan ang ating pamimilian para maluklok sa Malacañang sa loob nang anim na taon. Senadora Grace Poe, Secretary Mar Roxas, VP Jejomar Binay, Senadora Miriam Santiago at Mayor Rodrigo Duterte.
Nasa inyo na po ang pagdedesisyon. Piliin natin ang karapat-dapat. At piliin natin ang kandidatong pinakamatimbang sa ating puso. Ang bibig ay sumasablay, pero ang puso ay hindi nagsisi-nungaling, sundin natin ang dikta ng ating puso na para tayong namimili ng makakasama natin sa buhay nang mahabang panahon.