Heart sa magiging resulta ng halalan: Destiny yan, di mo pwedeng pigilan!

heart evangelista

Handa na si Heart Evangelista kung anuman ang magiging resulta ng halalan ngayong araw. Naniniwala siya na destiny pa rin ang bawat posisyon sa gobyerno. Ayon kay Heart manalo-matalo 100% pa rin ang suporta niya sa asawang si Sen. Chiz Escudero na tumatakbo ngang bise presidente, “I think, it’s the way you look at things. Binibigay lang ng 100 percent.

“At the end of the day, destiny naman ang manalo, e. Hindi mo puwedeng pigilan ang itinadhana. Kung para sa ‘yo, para sa ‘yo. I’m very happy na si Chiz, napaka-happy na tao. “Nakakatuwa, kasi siya na nga ang tumatakbo, pero siya pa rin ang nag-aalaga sa aming lahat, sa mga emosyon namin.

Siya pa rin yung stay positive, happy lang. So, ganu’n lang ang environment sa bahay, happy lang kami and, you know, we just give our one hundred percent,” mahabang paliwanag ng Kapuso actress.
Sey pa ng leading lady ni Dennis Trillo sa bagong GMA Telebabad series na Juan Happy Love Story, nabawasan na ang nerbiyos niya sa magiging resulta ng eleksyon, “Siguro two weeks ago, kabado.

Two weeks ago, pressure. “Pero ngayon, we’ve learned to let go and enjoy na lang what we’re doing and, again, it’s destiny, di ba? Hindi mo mapipilit yun,” aniya pa. After ng eleksiyon, magbabakasyon muna ang mag-asawa para makabawi ng energy, “I will be equally happy naman.

Hindi pa kami nagha-honeymoon. “Hindi pa kami nagkakaanak, kakakasal lang namin. There’s so much to look forward to, we can finally live our lives. Kung anuman ang ibigay ng Diyos, happy pa rin,” pahayag pa ng aktres.

Read more...