Jennylyn itinangging ‘exclusively dating’ sila ni Dennis

dennis trillo

TILA nilaglag ni Jennylyn Mercado ang rumored boyfriend niyang si Dennis Trillo nang kontrahin nito ang isyu tungkol sa “exclusively dating” status ng kanilang relasyon.

May interview raw kasi si Dennis kung saan sinabi nitong totoong nagde-date sila ni Jen pero walang label o status ang kanilang special friendship. Pero napaamin din daw ito na exclusively dating sila ng aktres. Pero ayon kay Jen, “Wala, magkaibigan lang kami! Yun lang yun.”

Nang tanungin daw ang hot mama kung okey lang sa kanya na hindi malinaw ang status ng kanilang relasyon o wala nga itong label sa ngayon, “Oo, ayoko, e. Ayoko lang. “Hindi naman kailangan. Wala, ayoko lang. Oo, ayoko lang talaga, hindi pa kasi ako handa to be honest.

So, hayaan na lang muna nating ganito,” paliwanag ng Kapuso actress. Pero paglilinaw naman ni Jennylyn, hindi rin siya nakikipag-date sa ibang lalaki, “Hindi rin, wala akong oras.”

 

Read more...