Dennis isang ‘butas’ lang ang gustong pasukin

dennis trillo

SIGURADONG mas magiging yummy at delicious sa mga girls and gays ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo kapag nagsimula nang umere ang bagong GMA Telebabad series na Juan Happy Love Story kung saan muli niyang makakatambal si Heart Evangelista.

E, kasi nga, playboy at may pagkamanyak ang role niya sa nasabing serye na lahat ng babaeng magustuhan ay kanyang nakaka-sex – pero ayaw magseryoso sa pag-ibig at takot magpakasal. In fairness, sa mga unang episode pa lang ng Juan Happy Love Story ay puro highlights na ang mapapanood, ang dami-dami nang nangyari mula sa pagkabata ng mga karakter nilang sina Juan at Happy hanggang sa magkakilala sila at magkainlaban.

Medyo sexy nga ang tema ng serye dahil sa pilot week pa lang ay mapapanood na pakikipag-sex ni Dennis sa isang babaeng nakilala lang niya sa kasal ng kanyang best friend at sa isang seksing customer niya bilang salesman ng mga kotse. Pagkatapos ngang i-test drive ng girl ang napili nitong sasakyan ay ito naman ang tinest drive niya sa loob mismo ng kotse.

Nakakaaliw ang eksenang ito dahil bigla na lang pumasok sa sasakyan si Heart kaya kitang-kita niya ang milagrong ginagawa ng dalawa. At ang nakakaloka, inimbita pa siya ni Dennis na mag-join para threesome raw sila! Ha-hahaha! Kaloka, di ba?

Aliw na aliw din kami sa isang eksena ni Dennis sa serye kung saan nag-dialogue siya na kaya raw ayaw niyang magpakasal ay dahil parang golf daw ang pagpapakasal – isang butas lang daw ang pagsusyutan ng bola. Sey nga ni Dennis sa isang panayam tungkol dito, “Oo, kasi gusto ni Juan dito, matikman niya lahat. Ganu’n siya kababaero!”

Nang tanungin kung ganu’n din ba siya sa tunay na buhay? “Lahat ng butas? Hindi naman sa lahat ng butas sa katawan kundi iba’t ibang butas ng iba’t ibang babae. Ayun! Sa totoong buhay? Oo naman! Okey na sa isa (butas). Ha-hahaha!

Game na game rin si Heart sa mga naughty scenes niya sa serye, wala siyang arteng nakipaghalikan at nakipag-love scene kay Dennis with matching sexy outfits pa. Sey nga ng Kapuso actress, kailangan na niyang gawin ‘yun dahil baka kapag meron na silang baby ni Sen. Chiz Escudero ay hindi na niya ito magagawa.

“Kasi, siyempre, I also want to give myself a chance to live a normal life. Siguro kapag nabuntis na ako at nagka-baby na ako, I’m really going to prioritize my time. Hindi ko alam kung magte-taping ako after that. I don’t know my plans yet. “Ngayon na may contract ako with GMA for two years, we’ll make sure na gagawin ko na ang lahat, enjoy-in ko na. After that, let’s see what I will do with my life,” chika ni Heart.

Read more...