Mayoral bet sa Bukidnon, binaril, patay

NASAWI ang isang kandidato sa pagka-alkalde ng Lantapan, Bukidnon, nang pagbabarilin ng mga di pa kilalang salarin Sabado ng madaling-araw, ayon sa pulisya.
Dinala pa ang kandidatong si Armando Ceballes sa Polymedic Hospital ng Malaybalay City dahil sa mga tama ng bala, ngunit binawian ng buhay ilang minuto lang nang makarating, sabi ni Supt. Surki Serenas, tagapagsalita ng Northern Mindanao regional police.
Si Ceballes ay tumatakbo bilang alkalde ng Lantapan bilang independent candidate, ayon sa impormasyon mula sa Commission on Elections.
Pinagbabaril si Ceballes sa Brgy. Balila dakong alas-12:30, ani Serenas.
Inaalam pa ng lokal na pulisya ang pagkakakilanlan at motibo ng mga salarin, na agad tumakas matapos ang insidente, aniya.

Read more...