Pangarap na maging sundalo (2)

Sulat mula kay Edward ng Magsaysay St., Miputak, Dipolog City
Problema:
1. Two years na akong stop sa pag-aaral, dahil alang pera pang enroll sa college, kaya lang ng dumating dito sa aming province ang uncle ko para magbakasayon ang sabi nya mag-sundalo na lang daw ako. Kaya lang hindi ko alam kung makakapasa ako.
2. Sa bagay gusto ko din maging sundalo o kaya’y pulis, kaya nais kong ipabasa sa inyo ang aking kapalaran kung may pag-asa bang ako ay maging isang pulis o kaya’y sundalo kapag sinunod ko ang suggestion ng aking uncle na isang opisyal ng militar. Isinilang po ako nuong April 9, 1993.
Umaasa,
Edward ng Dipolog City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aries (Illustration 2.) ang nagsasabing bagay na bagay nga sa iyo ang maging sundalo at sa nasabing larangan, sisikat, magtatagumpay at magiging maligaya ka, sapagkat ang zodiac sign na Aries, ay pinaghaharian ng planetang Mars kung saan, si Mars sa mitolohiyang Griego-Ranano ay siya ring itinaguriang “diyos ng digmaan.”
Numerology:
Ang birth date mong 9 ay nagsasabing “tataas bababa ang iyong kapalaran, pasikot-sikot na landas ng buhay ng iyong dadaanan,” ngunit sa sandaling ikaw ay nagtitiis at nagpakatatag, sa edad mong 36 pataas, maraming karangalan, malalaking suwerte at tagumpay ang kusa mong matatanggap.
Graphology:
Ang iyong lagda na kinakitaan ng mga matutulis na letra at salita ay nagpapatunay na ngayon palang nasasagap mo na ang tinatahak mong kapalaran, kung saan, kapag matutulis ang letra sa sulat kamy at lagda, ito ay nangangahulugang ng pakikipagsapalaran at pakikipaglaban.
Luscher Color Test:
Upang ikaw ay palarin at laging maligtas sa mga kapahamakan, kahit nasaang lugar ka pa, ugaliing magsuot lagi ng damit na kulay violet at red. Ang nasabing mga kulay ng magbibigay sa iyo ng maraming magagandng kapalaran at kakaibang buenas.
Huling payo at paalala:
Edward ayon sa iyong kapalaran, sumunod ka lang ng sumunod sa mga pinapagawa sa iyo ng uncle mo, sapagkat naka-ayos na ang iyong tadhana. Limang taon mula ngayon, magiging opisyal ka ng Sandatahang Lakas upang minsan pa sa kalinisan ng iyong puso at pagiging matapat na sundalo muli mong mapasimulan ang tamang pagbabago sa kasundaluhan, na magbubunsod upang lalo pang umunlad at maging payapa ang ating bansa, kasabay nito sa nasabing larangan, tuloy-tuloy kang uunlad at magiging maligaya habang buhay.

Read more...