41 sentimos/ kWh bawas singil sa kuryente

Meralco

Meralco


Bumaba ng 41 sentimos bawat kiloWatt hour ang singil ng Manila Electric Company ngayong buwan.
Ayon sa Meralco bumaba ng 21 sentimos kada kWh ang generation charge at 10 sentimos kata kWh naman ang transmission charge. Bumaba rin ng P0.04 ang buwis at P0.06 ang iba pang singilin.
Ang bawas singil ay nangangahulugan na bababa ng P82.45 ang babayaran ng mga kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan.
Ang gumagamit naman ng 300 kWh ay bababa ng P123.67 at ang 400 kWh ay P164.89. Nagkakahalaga naman ng P206.12 ang bawas singil sa kumokonsumo ng 500 kWh.
Sinabi rin ng Meralco na handa na sila sa gagawing eleksyon sa Lunes at gumawa ito ng mga hakbang upang matiyak na hindi magkakaroon ng brownout.
At kung may mga presinto na mawawalan ng kuryente agad umano itong itawag sa 632-8118.
Mayroon din umano silang mga portable generation set na magagamit sa mga eskuwelahan.

Read more...