Lotlot, Matet may sorpresa kay Ate Gay sa Sarap Diva

Lotlot De Leon, Matet De Leon, at Ate Gay

Lotlot De Leon, Matet De Leon, at Ate Gay

ISANG pambihirang pagkakataon ang magaganap sa favorite n’yong cooking show with a big twist ngayong umaga, ang Sarap Diva hosted by Regine Velasquez-Alcasid.

Muling magkakasama ang magkapatid na Lotlot de Leon at Matet para sa isang inspiring na chikahan, kasama pa ang kanilang dakilang ina…daw! Ang tinutukoy namin ay ang isa sa mga mabentang impersonator ni Superstar Nora Aunor – si Ate Gay.

Maraming ikukuwento ang mga anak ni Ate Gay tungkol sa nag-iisang Superstar! Halimbawa, alam niyo bang nagluluto pala si Ate Guy? At ang paborito niyang ihain sa kaniyang mga anak ay sinigang na baka.

Ipatitikim din ni Lotlot kay Regine ang kanilang kinalakihan na sinigang. Pero paano nga ba mas pasasarapin ang classic dish na ito ng mga Pinoy? Abangan ang sagot ngayong sa Sabado! Isang masayang kuwentuhan tungkol sa pagiging anak at ina, at masarap na kainan na hindi mauubusan ng katatawanan ang Mother’s Day episode ng Sarap Diva ngayong umaga sa GMA.

Read more...