HALINA Espiritu Santo. Tayo’y magpagabay sa pagpili ng pinuno, sa napakaselang na desisyon, na iginagawad tuwing ika-anim na taon lang. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Gawa 17:15, 22-18:1; Slm 148:1-2, 11-12, 13, 14; Jn 16:12-15) sa ika-6 na linggo ng Pasko ng Pagkabuhay.
Bakit sinalaula’t pinakabastos na ang kampanya sa halalang panguluhan? Hindi pinabayaan ng Diyos ang mga kandidato. Itinakwil nila ang Diyos. Hindi nila sentro ang Diyos; ang sarili nila ang kanilang sentro. Sila’y mga pagano at di na Katoliko.
Sa batayang “Pagan and Catholic dispositions,” tanging si Bongbong Marcos lang ang nagsagawa ng kampanya na panig sa turo’t kautusan ng Romano Katolika, bagaman hindi siya maituturing na cerrado Catolico. Gayunpaman, iningatan niyang huwag makasakit ng damdamin, bagkus ay binuksan ang pinto ng kapayapaan (sa Pagninilay, ang kapayapaan ay malalim na pagtitiwala na ibinibigay sa kausap, di man siya lubos na kilala).
May tampo ako kay Bishop Socrates Villegas, na pangulo pa man din ng CBCP. Bakit ngayon lang niya sinabi na nagdusa ang mahihirap sa “incompetence and indifference” ng gobyernong dilaw ng ikalawang Aquino, na ang mag-ina ay kanyang bulag na itinaguyod? Bishop Soc, hindi ako nagkamali sa mga puna kontra sa mag-inang Aquino.
Nakatatakot kung makababalik sa Senado si Batang Hamog. Pero kung si Digong ang mananalong pangulo, papatayin niya ang mga batang hamog, na lusaw na ang utak sa rugby at shabu, tulad ng nangyari sa Davao City. Napakaraming biktima ng mga batang hamog ang di na lang nagreklamo kahit binato na ang kanilang mga sasakyan.
Na-heat stroke ang kampanya ni Chiz Escudero at di siya naisalba ni Heart, na nakapagtatakang biglang nalaos, tulad ni Kris. Pareho na sila ng kapalaran ni Mar Roxas, di rin nakatulong ang asawa. Ganyan talaga kalupit ang kapalaran. Muling napatunatayan na ang malinis na puso ay kinasisiyahan ng Diyos.
Dapat, bagong mga mukha naman sa Senado: Romualdez, Pagdilao, Ople, Napenas, Santiago, Romulo, Kapunan, Tolentino. Ibalik si Gordon. Huwag tangkilikin ang mga nagpatalsik kay Renato Corona dahil ilegal ang kanilang ginawa. Alisin na ang Eat Bulaga sa Senado. Di naman nakatulong yan sa poorest of the poor ng Bagong Silang, Caloocan, na araw-araw ay kumakain ng kaninbaw (kanin at sabaw). Yan lang ang kaya nilang bilhin mula sa kita sa pangangalkal ng basura.
May pananagutang dapat tugunan sina Antonio Trillanes at Kris Aquino pagkatapos ng eleksyon. Nakita na rin ni Trillanes ang kanyang katapat: Duterte. Si Aquino, kailangang managot sa paggamit ng government property sa kampanya ni Mar Roxas. Malinaw ang sinasabi ng election laws at walang binanggit kung malaki man ang binabayad niyang buwis.
Ayon sa matatandang tinali sa Bureau of Customs, lalakas ang smuggling kapag nanalo si Digong. Bukod sa madaragdagan ang bilang nila, ang magiging panginoon sa Aduana ay ang tropang Davao City. Ang kapwa smuggler ay madali namang magkasundo. Kung tutuusin, tapos na nga ang “pakiramdaman” ng mga smuggler at darating na mga smuggler. “Formal takeover” na lang ang inaabangan.
Handa na ang Metro Manila journalists sa death squad, na malapit nang maging pambansa. Lalaban sila ng barilan. Huwag lang matiyempuhan na pauwi sila nang lasing.
MULA sa bayan (0916-5401958): Bakit ba sila napapraning sa mataas na survey ni Digong? Wala pa ngang eleksyon sina Roxas at Robredo na raw ang panalo. At may resibo pa. Auto-daya na ang halalan. …9703
Lahat naman nagsasalita ng badwords. Digong lahat sa Laug, Mexico, Pampanga. …0998
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.