Dennis ‘manyak na manyak’ sa bagong serye ng GMA

DENNIS TRILLO

DENNIS TRILLO

WALA namang problema kay Chiz Escudero kung ilang beses makipaghalikan si Heart kay Dennis Trillo, ang leading man ng aktres sa bagong serye ng GMA 7 na Juan Happy Love Story na magsisisimula na sa May 16.

Naiintindihan daw niya ang trabaho ng kanyang asawa, “Tsaka hindi talaga ako selosong tao. Hindi na rin niya kailangang magpaalam sa akin about it kasi bago ko pa naman siya naging asawa, yan na ang trabaho niya.”

In fairness, napanood namin ang first two episodes ng Juan Happy Love Story at promising naman ang reunion teleserye nina Heart at Dennis. Medyo naughty nga ang tema nito dahil parang “manyak na manyak” ang karakter ni Dennis sa kuwento. Ha-hahaha!

Ikukuwento namin sa inyo one of these days ang ilang mga napanood naming eksena sa serye para may idea na kayo sa istorya kapag nagsimula na ito sa May 16 sa GMA Telebabad.

Read more...