Shaina nagpapayaman: Baka kasi ako pa ang bumuhay sa lalaki!!!

SHAINA MAGDAYAO AT DEREK RAMSAY

SHAINA MAGDAYAO AT DEREK RAMSAY

TOTOO nga ang sinabi ni Shaina Magdayao na malayo sa karakter niya sa tunay na buhay at sa mga ginagampanan niyang papel sa pelikula at drama series ang role niya sa “My Candidate” na idinirek ni Quark Henares produced by Quantum Films na ipalalabas na sa Mayo 11.

Kuwento ng aktres, “Kasi kabaligtaran ko ‘yung karakter ko, magaslaw ako rito, may mga tattoo, nag-drugs maski hindi ipinakita, makulit. Totally iba sa mga ginagawa ko, kasi more on drama ako, di ba?

Dito komedyana na ewan, ilang na ilang ako, I hope nagampanan ko ng tama.”

Oo nga, nagulat din kami nang mapanood namin sa advanced screening ang “My Candidate” dahil malayo nga sa imahe ng dalaga pero nagampanan naman niya ng maayos para sa amin.

Halata pa ring naiilang si Shaina dahil kapag nakikita niyang naka-briefs o naka-sexy shorts si Ketchup Eusebio bilang kaibigan niya ay halatang hindi siya kumportable kasi naman maski nagka-boyfriend na ang dalaga ay konserbatibo pa rin siya.

May dalawang kissing scene sina Derek Ramsay at Shaina sa movie at inabot daw ito ng take 7, susme wholesome nga ang nasabing halikan, inabot pa ng take 7? It only shows na nailang ang aktres at ganito rin naman ang nangyari sa kanila ni Piolo Pascual sa “OTJ.”

Anyway, sa presscon ng “My Candidate” ay tinanong ang dalaga kung hindi ba siya nagtatampo sa ABS-CBN dahil ibang movie outfit pa ang nagbigay sa kanya ng lead role at launching film.

Nagpapasalamat po ako na nabigyan ako ng opportunity ng Quantum Films. Ibinigay nila sa akin itong magandang break and of course we’re always thankful sa lahat ng trabaho na natatanggap natin and I made sure na hindi po nila pagsisihan ‘yung pagpili nila sa akin.

Dagdag pa nito, “I want also to thank Mr. M (Johnny Manahan) for giving me a ‘go’ to do this project kaya nagpapasalamat din ako kay Atty. Jojie (Alonso) for this project and the people here who believes in my talent.

“Regarding sa kung sumama ba ang loob ko, would it change anything? Wala naman e. So bakit mo pa iho-honor ‘yun? Why don’t just be thankful sa mga ganitong oportunidad,” katwiran ng aktres.

Samantala, tatlo ang projects ni Shaina ngayong 2016, itong “My Candidate”, ang indie film na “Dukot” kasama si Enrique Gil at ang bagong season ng Single/Single kasama si Matteo Guidicelli na napapanood sa Cinema One.

Sa kangaragan ay wala na

Read more...