Susan Roces ‘chief adviser’ pa rin ni Grace Poe

SUSAN ROCES AT GRACE POE

SUSAN ROCES AT GRACE POE

KAHIT napapaligiran ng bigating adviser, si Ms. Susan Roces pa rin ang takbuhan ni Sen. Grace Poe kapag siya ay nahaharap sa mga mahahalagang desisyon.

A mother knows best, sabi nga ni Grace, kaya hindi niya kinakaligtaang konsultahin ang Queen of Philippine Movies, “Siyempre nakakatulong siya ng malaki kasi iba talaga ang nanay sa personal na pangangailangan mo,” sey ni Grace sa isang panayam.

“Kapag mayroon kang kailangang kausapin na alam mong sasabihin sa ‘yo ang katotohanan pero bibigyan ka pa rin ng pagyakap at suporta, yung nanay ko ‘yun,” dagdag pa ng senadora patungkol kay Ms. Susan na gumaganap na Lola Kap ni Coco Martin sa number one teleserye sa primetime na Ang Probinsyano sa ABS-CBN.

Read more...