MALIBAN lang kung malawakan ang pandaraya, hindi na makakahabol ang administration candidate na si Mar Roxas kay presidential survey frontrunner Rody Duterte.
Napakalaki ang agwat ng Davao City mayor sa dating interior secretary sa pinakahuling survey—11 percentage points.
Sa April 26-29 survey ng Pulse Asia, nakakuha si Roxas ng 22 percent, at nalampasan ang survey second-placer na si Sen. Grace Poe na bumaba ang rating sa 21 percent.
Sa April 19-24 Pulse Asia survey, si Roxas ay 20 percent, samantalang si Poe ay 22 percent.
Nanatili si Duterte sa 33 percent sa latest survey.
Ang nakuha naman ni Binay ay 17 percent, bumaba galing sa 18.
Pagpalagay nating bababa ang rating ni Duterte ng 4 points, at tataas naman si Roxas ng 4 points dahil sa diumano’y exposé ni Sen. Antonio Trillanes IV sa kanyang bank accounts.
Kahit na, si Duterte ay lamang pa rin ng 3 points kay Roxas: 29 kay Duterte at 26 naman kay Roxas.
Pero ang 4-point na bawas kay Duterte at 4-point na bawas kay Roxas ay rough estimates lamang; napalaki ng four-point figure sa totoo lang.
Besides, huli na ang lahat para magbago pa ang isip ng mga botante, apat na araw na lang bago ang Election Day.
Hindi na mababago ang desisyon ng mga supporters ni Duterte na iluluklok siya sa Malakanyang.
Susuportahan ng Iglesia ni Cristo (INC) sina Duterte, sa pagka-Pangulo, at Bongbong Marcos, sa pagka-Vice President.
Isasapubliko ng INC ang kanilang suporta sa dalawa sa Sabado o May 7, dalawang araw bago mag-eleksiyon, ayon sa aking source sa influential religious sect.
Sinabi ng aking source na ang voting strength ng INC ay 3 million hanggang 3.5 million voters.
But conservative estimates place the INC’s voting strength from 1.5 million to 2 million votes.
Kung ganoon, magkakaroon na dagdag ng 1.5 million hanggang 2 million votes si Duterte at the same number of votes ang ibabawas kay Roxas at ibang presidential candidates.