Pag-akbay ni Alden kay Pauleen binigyan ng malisya; Nakakahiya raw kay Bossing

alden pauleen
NAIMBYERNA si Pauleen Luna nang bigyan ng malisya ng isang basher ang pag-akbay sa kanya ni Alden Richards sa isang photo na kuha sa isang event. Nag-comment kasi ang basher na bakit daw nagpaakbay si Pauleen kay Alden. It was as if malaking krimen na ang maakbayan ng binata.

“Excuse me? Pag dumikit ba ang isang tao sa isang tao ibig sabihin ‘type’ na sya? Hindi ba pwedeng magkapatid/magkaibigan? Siguro wala kang kaibigan na close mo kaya hindi mo alam. Sobra naman yung mga ganyang comments,” say ni Pauleen which surfaced sa isang website.

“Ako ba nagagalit kapag nagyayakapan si Vic at Ruby? My gosh. Konting lawak lang ng isip please. Hindi na tama yan. Kung gusto niyo lahat kami lumayo kay Alden at wala nang kumausap at lumapit sa kanya, grabe kayo,” she added. “Dapat nga masaya kayo that we are good friends with him and he has found friends in us dabarkads! Hay. God bless you na lang,” pahabol pa niyang dayalog.

Oo nga. Bakit ganito kabastos ang ilang fans ni Alden? Lahat na lang ay bina-bash nila. Parang ayaw nilang may makatabing babae ang idol nila other than Maine Something. Sometimes, fans are getting beyond fans. Para silang nagiging selosang lover ng artista.

Read more...