Hunk actor wala pa ring dyowa, baliw pa rin sa ex-GF na aktres

BLIND ITEM MAN 0220

MATAGAL na silang hiwalay pero hanggang ngayon ay ramdam ng kanilang mga katrabaho at kaibigan na parang hindi pa rin nakaka-move-on ang isang guwapong hunk actor sa hiwalayan nila ng isang young actress.

May mga inuugnay na sa babae, pero ang aktor ay nananatiling libre, iniisip tuloy ng kanilang mga kaibigan na hanggang ngayo’y umaasa pa rin ang male personality sa posibilidad ng kanilang pagbabalikan ng young actress.

Baligtad na kuno ang mga nangyayari ngayon dahil dati’y ang female personality ang halatang-halatang in-love sa guy. Pero ngayon ay halatadong ang male personality na ang apektado sa kanilang hiwalayan.
Kuwento ng isang source, “Masarap sigurong magmahal si ____ (pangalan ng young actress), kaya hindi siya makalimutan ni ___ (ang guwapong hunk actor).

“Masarap din kasing magmahal ang family ng guy, inaalagaan nila ang girl, kaya ‘yun ang nami-miss ngayon ng buong pamilya. Close sila sa girl, kaibigan ng babae pati ang mga kapatid niya, kaya hindi madali para sa kanya ang basta na lang kalimutan ang nakaraan nila,” sabi ng aming source.

May mga babaeng personalidad namang nakaka-close ang guwapong hunk actor pero parang walang dating sa kanya ang mga ito. Ang mga qualities pa rin kuno ng ex niya ang hinahanap ng guy. “Wala siyang nililigawan, walang close na girl sa kanya, kaya sino ang hindi mag-iisip na ang ex pa rin niya ang hinihintay ng lalaki?” pag-aanalisa naman ng isang impormante.

Matagal ding naging magkarelasyon ang dalawa sa kabila ng hindi pagkagusto ng ama ng girl nu’ng una sa kanilang relasyon. Pero nahilot din ‘yun, nu’ng bandang huli ay ipinaubaya na rin ng tatay ng young actress ang pagdedesisyon para sa kanyang sarili, hindi na ito nakialam. “Bradly Guevarra, ‘tol! Siguradong kilalang-kilala mo na kung sinu-sino ang starring sa ating kuwento,” pagtatapos ng aming source.

Read more...