Matinee idol pwede nang matulog sa bahay ng dyowang youngstar

BLIND ITEM MALE 0412

HALA, how true kaya ang tsismis na diumano’y may permiso na ang sikat na young actor na makitulog sa bahay ng kanyang ka-loveteam lalo na kapag sobrang late na silang natapos sa kanilang mga trabaho.

Yes, may balitang tanggap na tanggap na ng pamilya ni young actress si bagets actor sa bahay nila. The fact is, mayroon na itong laging naka-ready na guest room at tatawag na lang daw si young actress sa kanilang kasambahay kung pauwi na sila.

Pagdating nga sa bahay ay nakahanda na ang room para kay matinee idol at nakabukas na rin daw ang aircon para malamig na ang kwarto. Pati raw ang wash room ni young actor ay super ready na rin. Para nga raw nasa isang hotel ito dahil paggising ay may nakahanda na ring breakfast for him.

Kesa nga naman daw hayaan pa itong umuwi sa kanila o maglakwatsa pa after ng work, mas mabuti na raw na very safe and secure ito sa house ng kanyang ka-loveteam.

Nope, may sariling room din si young actress at kasama niya ang kanyang family and relatives kaya’t nakakasiguro ang aming source na walang mangyayaring “something” sa dalawang bagets! Kaya huwag na raw marumi ang mga utak natin. Ha-hahaha!

Read more...