Michael tinratong big star ni Erap: Para na rin nila akong kapamilya!

 

Michael Pangilinan

Michael Pangilinan


NGAYONG 2 p.m. ang simula ng miting de avance ng mahal nating si President/Mayor Joseph Estrada (for Manila mayor) sa Moriones, Tondo. Tiyak na dagsa ang tao sa lugar na ito today dahil milyon-milyon ang nagmamahal sa ating mahal na dating Pangulong Erap. In full force ang kaniyang mga supporters to make him win again the mayoralty of the city of Manila.
May ilang mga guest artists silang naimbitahan (mga volunteers ang iba sa kanila) led by our baby Michael Pangilinan, Boobsie Wonderland, Blakdyak and April Boy Regino. I heard meron din iba pang mga darating na mga showbiz personalities na nagmamahal at buo ang suporta kay Erap.
“Nakaka-proud lang dahil napakabait ng lahat ng involved sa campaign ni Tito Joseph. Si Mama Laarni (Enriquez) ay napaka-loving na mother sa kaniyang mga anak. Nakikita ko kung paano niya sila kinakausap kasi there are times na magkakasama kami. Ang bait nina Jake and Jerica sa akin, sa aming lahat. They make you feel like you are a member of their family.
“Kaya ako, anytime na kailanganin nila ako, nandito lang ako with all my heart. Maraming salamat sa kanila dahil kahit na maliit na singer lang ako ay pinagkatiwalaan nila ako. Tinrato nila akong parang big star din. Ha-hahaha! Dati pinapanood ko lang ang mga action movies ni Tito Joseph sa DVD, hindi ko naman kasi masyadong inabot yung panahon niya before, eh. Sina Mama and Daddy ko ay fans niya dati pero ako, bagets pa kasi, alam niyo na. But of course, alam kong superstar talaga si Tito Joseph noon. At sobrang guwapo, di ba?” ani Michael.
Totoong tao kasi si President/Mayor Erap. Walang sugar-coat that’s why mahal siya ng Maynila at ng buong bansa actually. Pag mahal ka niya, mararamdaman mong mahal ka niya. Irerespeto ka niya. Pag may nagawa kang kasalanan, magagalit siya sa iyo pero ikaw bilang tao ay mahal niya. Gusto lang niyang matuto ka sa pagkakamali mo. Ganoon ang mga ama natin, di ba? Hindi nagtatanim ng poot. That’s how we perceive Erap.
“Ang gusto namin kay Michael ay napaka-professional niya at hindi mo makitaan o maringgan ng complaints. Sa maraming beses naming pagsama sa campaign na ito, there are times na matagal siyang naghihintay bago siya isalang sa stage pero parang wala lang. Nakangiti pa rin ito and he still gives his best performances. Wala kang maririnig sa kaniya. Obvious that he enjoys what he is doing. Walang demands. Kaya sarap niyang katrabaho,” sabi ng isa sa security personnel ni Erap sa campaign na nakakasama ni Michael.
“Michael reminds me of my son Jacob na nasa States ngayon dahil may klase sila. May characteristics siyang parang si Jacob kaya gusto ko siyang laging nakikita. Nakakatuwa ang batang iyan, malambing. At magaling talagang mag-perform. Naka-capture niya ang audience niya. Malakas ang impact niya pag nababanggit pa lang ang name niya and by the time na lumabas na siya sa stage ay hiyawan talaga ang mga kabataan. Marami siyang fans, magaling kasing kumanta. Natutuwa lang ako sa batang ito. Para ko na rin siyang anak,” ani Ms. Laarni Enriquez.
Basta kaming lahat ay pro-Erap. Noon pa man. Dahil hindi naman kami mga taga-Maynila, ang mga kamag-anak naming mga tagaroon ay solid Erap. Mabuti kasing tao ito kaya hindi nakakapanghinayang suportahan. We love you, Erap!
q q q
Speaking of Michael Pangilinan, June 8, 2016 na ang final showing ng first movie nito – ang “Pare, Mahal Mo Raw Ako” na hango sa kaniyang Himig Handog 2014 hit song of the same title. The movie is directed by Joven Tan and will be released by Viva Films. Kasama ni Michael sa pinaka-inaabangang movie na ito sina Edgar Allan Guzman who plays his gay best friend na may gusto sa kaniya, Ana Capri, Katrina “Hopia” Legaspi, Matt Evans, Joross Gamboa, Nikko Seagal Natividad, Miggy Campbell and the one and only Superstar Ms. Nora Aunor in a very challenging role.
“Ngayon pa lang ay gusto ko nang pasalamatan ang members ng LGBT for pledging their full support sa nalalapit na showing ng “Pare, Mahal Mo Raw Ako”. Excited akong kinakabahan. Maganda kasi ang film pero siyempre hindi maiaalis ang kaba sa akin dahil first movie ko ito – I am praying na kumita ito para maibalik ang puhunan ng producers namin. Thanks sa tiwala,” ani Michael.
Kikita iyan. This country is hungry for good films na may kasamang good vibes, di ba? Don’t worry, mabait si Lord.

Read more...