Trillanes: Mabigat na laban ito

trillanes

 

“Isa itong mabigat na laban dahil ang ating mga kalaban ay mga kilalang pangalan sa larangan ng pulitika at sila ay may pera. Ngunit ako ay naniniwala na hangga’t ang ating layunin ay iahon ang
ating bayan, ayusin ang ating  gobyerno at tulungan ang  ating kapwa at lalo na habang tayo ay magkakaisa, tayo ay magtatagumpay.”

(Editor: Simula ngayong araw ay isa-isa naming ihaharap sa inyo ang mga kandidato sa pagkabise-presidente, ang kanilang mga plataporma at programa kung sakaling sila ang mahahalal sa darating na eleksiyon.)

SA mga survey para sa pagkabise-president ay parating nasa hulihan si Senador Antonio Trillanes, IV. Pero hindi pa rin anya siya nawawalan ng pag-asa na sa mismong araw ng halalan ay siya ang maihahalal bilang pangalawang pangulo ng bansa. Pero ano-ano nga ba ang mga programa at plataporma ni Trillanes sakaling siya ang maihala?

Kahirapan at Kaayusan

Nakatuon sa peace and order, corruption at kahirapan ang plataporma ni Trillanes. Aniya, nakikita niya na konektado ang kahirapan sa peace and order.
“Ang aking plataporma po ay nakatuon sa peace and order, anti-corruption at anti-poverty. Sa aking paniniwala ang pangunahing problema is peace and order kasi mahirap po talagang maghikayat ng mga negosyo kung maya maya may kinikidnap or may sumasabog,” ayon kay Trillanes sa ginawang serye ng panayam ng Inquirer.net sa mga vice presidential bets.

Interior secretary
Kung sakaling mahahalal, nais niya umanong italaga siya nang susunod na pangulo bilang kalihim ng Interior and Local Government, upang mapaigting and PNP modernization at law enforcement.

“Yan po ang primary focus natin. I-modernize at gagawin nating effective and efficient crime fighting force ang PNP.”

Anti-poverty solution
Nakikita niyang magiging solusyon ng kahirapan ay ang pagbibigay ng higit na atensiyon sa turismo, agrikultura at responsible mining. Para sa kanya, dapat gamitin ang God-given resources para maiangat ang buhay ng mamamayan.

“Kasi di mo na kailangan ng iba pa. Kasi ito na ang God-given resources sa atin” aniya.  Kailangang pagyabungin ang turismo na siyang makakapagbigay ng karagdagang trabaho sa mamamayan.Pero hindi mapapalakas ang turismo kung sa mga airport pa lang ay sangkaterba na ang problema.

Sa agriculture naman, kailangan umanong imodernisa ang mga kagamitan ng mga magsasaka. Dapat ding isulong ang kooperatiba para sa mga magsasaka.

Kontra K-12
Samantala, umaasa naman ang senador na mahaharang pa ang pagpapatupad ng K-12. Aniya, hindi pa patay ang kaso kaya may pagkakataong mabawi pa ito. Isa si Trillanes sa mariing tumututol sa pagpapatupad ng K-12. “Ang merits ng case di pa nade-decide-an. Dalawa ang pwedeng mangyari.

Unang una, kung ang Supreme Court mag-decide na ma-suspend ito o kung ang incoming president magsu-suspend nito. So ang mangyayari ang mga nakatapos ng Grade 10 pwede na silang pumasok ng kolehiyo,” paliwanag nya.

Anong kapalaran ang naghihintay kay Sonny?

SI Antonio Trillanes IV ay isinilang noong Agosto 6, 1971. Siya ay 45 anyos, may asawa at dalawang anak. Kasalukuyang naninirahan sa Caloocan City kung saan din siya ipinanganak.  Bago naging senador ay isa siyang sundalo at nakabilang sa Philippine Navy.

Ang kanyang maybahay ay si Arlene Orejanan na schoolmate niya sa Philippine Military Academy.
Ano kaya ang sinasabi ng kapalaran ni Trillanes? Alamin natin sa numeric analysis ng resident psychic natin na si Joseph Greenfield.

Numeric Analysis:

Kung babalikan ang kasaysayan, mapapansin na noong 2003, at sa edad na 32, masasabi na ang destiny number ni Trillanes ay 5.
Noong 2003, sa edad na 32, isa siya sa mga pangunahing namuno sa Oakwood Mutiny, sa Makati City. Dito siya simulang nakilala at sumikat.
Pansinin ang numero ng taong 2003, ito ay may suma-total na 5, dahil ang 2003 ay 20+03=23/ 2+3=5), habang ang edad niyang 32 noong panahong iyon ay may suma-total ding 5, dahil ang 32 ay 3+2=5.

Swerte sa Mayo?
Ibig sabihin, walang kamali-mali, tuwing sasapit sa buhay niya ang nume-rong may suma total na “singko” o five (5), tiyak na may mahalagang pangyayaring magaganap sa kanyang buhay na maaaring magdala sa kanya ng kakaibang suwerte at magandang kapalaran.
Masasabi ring likas siyang mapalad sa lahat ng petsa at numerong may sumatotal na 5, tulad ng 5, 14, 23, 32, 41, 50, 59 at iba pang kauring numero. Kaya mapapansing suwerte din siya sa buwan ng Mayo, dahil ang Mayo ay ika-5 buwan ng taon.

Bukod sa numerong 5, mapalad din siya sa mga numerong kung tawagin ay “series of 3-6-9” dahil sa birth date niyang 6. Kaya naman noong dumating ang taong 2007, buwan ng Mayo, siya ay nahalal
bilang senador ng bansa.

Pan-sinin ang numerong 2007 ay may suma-total na 9 (20+07=27/ 2+7=9) at ang buwan ng Mayo ay ika-5 buwan ng taon. Ibig sabihin likas na suwerte si Trillanes sa numerong 9 at 5. At noong June 30, 2007, tuluyan na siyang umupo bilang isa sa mga senador ng bansa.

Pansinin ang petsang Hunyo 30, 2007 ay may destiny number na 9, (6+30+2007=2043/ 20+43=63/ 6+3=9). At nang muling kumandidato bilang senador noong taong 2013, siya ay muling nanalo.
Ang 2013 ay may numerong 6 (20+13=33/ 3+3=6) kung saan ang numerong 6 ang petsa ng kanyang kaarawan. Kasabay nito, siya ay nagwagi bilang pang-siyam na senador sa nasabing eleskyon.
Kaya nga mapalad siya sa mga numerong may suma-total na 5, 3, 6 at 9.

Lucky Charm
Mapalad si Trillanes sa lahat ng simbolo na may kaugnayan sa araw at pag-ibig, ganon din sa batong sardonyx at agate.

Lucky Years
Likas siyang papalarin sa edad niyang 50 pataas, at sa edad na 59 pataas sa taong 2030.

Kalusugan at iba pa
Magdadala naman sa kanya ng kakaibang suwerte at kamalasan ang “babae at legal battle”, kaya iyon ang dapat niyang iwasan o pakiramdaman. Maaari din magpahamak sa kanya ang mga karamdamang may kaugnayan sa “sex at reproductive organ” at sa “mga biglaan at hindi inaasahang aksidente”.— Joseph Greenfield

 

Read more...