3 sugatan sa ipo-ipo sa Negros Occidental

negros occidental
SUGATAN ang tatlo katao matapos manalasa ang isang ipo-ipo sa isang barangay sa Barangay Magballo sa Kabankalan City, Negros Occidental.
Sinabi ni Dr. Ernell Tumimbang, acting chief ng Provincial Social Welfare Development Office na 12 bahay ang nasira, samantalang 70 iba pang bahay ang napinsala matapos ang pagtama ng ipo-ipo ganap na alas-10:35 ng umaga.
Nadamay din ang dalawang classroom ng isang elementary school, isang toilet ng isang paaralan at isang kapilya.
Nagpadala naman ng pagkain para sa mga apektadong mga biktima.

Read more...