Bet ni PNoy na si Leni naungusan na si Bongbong sa Pulse Asia survey

LALONG umiinit ang labanan sa pagkabise-presidente, lalo ngayon na naungusan na ng pambato ng Malacanang na si Leni Robredo si Senador Bongbong Marcos, sa pinakahuling survey ng Pulse Asia -ABSCBN.

Umakyat ng apat na puntos si Robredo habang bumaba naman ng tatlong puntos si Marcos, dahilan para maging tie sila sa unang pwesto.

Sa April 26 hanggang 29 na survey, nakakuha si Robredo ng 30 porsiyento mula sa dating 26, habang 28 porsiyento naman si Marcos mula sa dating 31.

Ginawa ang survey sa 4,000 botante.

Nasa ikatlong pwesto si Senador Chiz Escudero at pang-apat si Senador Alan Peter Cayetano.

Read more...