GRABE ang reaction ng Facebook users sa isyung pwedeng itapat kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sina Barbie Forteza at Kristoffer Martin.
Obviously, hindi alam ng writer ang kanyang sinasabi.
Hindi siguro siya aware sa lakas ng hiyawan kina Daniel at Kathryn noong basketball event para sa Princess And I na ginanap sa MOA Arena.
Ang daming nag-react against the issue sa Facebook, Ito ang isa, “KATHNiEL tatapatan? HAHAHA! nagpapatawa ba kayo? hiyang-hiya nman ako. d bli d nman msama mangarap e! mangarap nlang kau dyan!” sabi ni Nelsie Donato Depena.
Ganito rin more or less ang feeling ni Angel Ponce who said, “Oh My G. Are u kidding? #Amasaveh?? Ipantatapat nyo yan sa KathNiel??
What a stupid statement.
Eh ano naman bubuga nyan.Kahit anong gawin nyo, wala ng tatapat at wala ng mas gagaling pa sa KathNiel.
Eh hindi nyo nga madaig ratings ng Princess and I ehh.
Duh. kung pwede sa susunod mag post naman kayo ng mga may sense, indi 2lad nito.
Kilabutan nga kayo jan.”
Jane Jhoana also felt the same way, “Sus wla nmn pana ma yan sa kathniel…ultimo derbie, joshbie, jhabea di nga kaya tapatan ang kathniel yan pa kaya duhh!!!”
“Weeh di nga! kathniel ipagtapat! joke ba yan ksi kahit sinong makakatambalang sa ibang network walang makakatalo sa KATHNIEL,” say naman ni Angel Montay.
To the rescue naman si Charissesjoy Melegrito who said, “Grabe nman ung mga kathniel fans makapanlait kay BARBIE wagas!!! di lng kc nila matanggap na mas maganda c BARBIE eh!”