Ruby bugbog-sarado sa fans ni Maine; Pati nanay dinamay

 

Maine Mendoza at Ruby Rodriguez

Maine Mendoza at Ruby Rodriguez

BATIKOS na kaliwa’t kanan ang inabot ni Ruby Rodriguez for saying on cam na ang gusto lang makita ng kanyang mom for her birthday ay si Alden.

Grabeng bashing ang inabot ni Ruby for that insensitive statement to the point na maraming bashers ang nag-wish ng masama sa kanyang ina.

Nag-sorry naman si Ruby sa fans ni Maine Something sabay pakiusap na i-spare na ang kanyang ina sa batikos. “Pasensiya na kayo na hindi ko mapigilan ang sarili ko na mag-comment. Pero para magwish kayo ng masama sa nanay ko wag naman po. Ako na lang,” say ni Ruby.

Sa isang website ay batikos din ang inabot ni Ruby. “Very insensitive naman talaga yung ginawa niya on National TV talaga.”

“I was watching this via EB livestream kagabi, mejo na off nga ako for Maine. I-announce pa daw ba na si Alden lang ang bet makita ng mom nya kaya hindi ininvite si Maine sa celebration nila. Respeto naman ohhh.”

“I get that she didn’t have any bad intention with what she said, but she really shouldn’t have said it. I mean for what pa na babanggitin niya yun? Wala naman, diba? Walang galit sa kanya or sa nanay niya dahil si Alden lang ang gusto. May mga nagpanting lang ang tenga dahil naging insensitive siya.
That’s just some of the comments in one website.

Read more...