Kris singtigas na ng simento ang puso, matibay din ang sikmura sa bastusan

kris aquino

Ilang linggo nang pinagpipistahan sa social media ang paggamit ni Kris Aquino sa chopper na pag-aari ng ating pamahalaan pero hanggang ngayon ay ‘yun pa rin ang isyung isinasampal sa aktres-TV host ng kanyang mga bashers.

Walang sawa pa rin siyang binabatikos, talagang upak kung upak ang mga komentong ibinabato laban sa kanya, may nahuli na kunong miyembro ng Abu Sayyaf na kasama sa nagplanong dukutin siya pero ang chopper issue pa rin ang hanggang ngayo’y ipinambabato kay Kris.

Sabi ng isang source na nakakuwentuhan namin, “‘Yung kidnapping ng Abu Sayyaf, ayaw paniwalaan ng mga kababayan natin. Hindi lang ng mga bashers ni Kris, kahit ‘yung mga kababayan nating hindi naman galit sa kanya, walang may gustong maniwala.

“Parang collateral damage kasi si Kris sa pag-ayaw ng mga kababayan natin sa kuya niya, pati sa politician na ineendorso nila. Nagkataon lang na siya ang napupuruhan, kasi nga, sikat siya! “Grabe ang mga bashers ni Kris, ‘yun na yata ang agahan, lunch at dinner nila, ang birahin nang birahin si Kris.

Buti na lang at kinakaya niya ang masasakit na salita, buti na lang at matibay ang sikmura niya,” pahayag ng aming kausap. Pinatibay na nga ng panahon ang puso ni Kris, sinimyentuhan na niya ‘yun, kaya para sa kanya ay ordinaryo na lang ang mga pambibirang inaabot niya sa social media.

Kunsabagay ay parang gustung-gusto niya naman ang ganito, parang ine-enjoy niya ang pagpipista sa kanya, di ba?

Read more...