Heart sa politika: Sobrang hirap, nakaka-stress!

heart evangelista

Sa muling pagbisita ni Heart Evangelista sa Bicol kamakailan ay nagpasalamat siya sa suporta ni Albay Gov. Joey Salceda, na tumaya na sa kandidatura na kanyang mister na si Sen. Chiz Escudero bilang vice president.

Nag-post pa si Heart ng photo nila ni Gov. Salceda sa kanyang Instagram account. “Salamatunon sa pinahiling mong suporta Gov. Joey Salceda. Dios mabalos! Naks marunong na ako! Hahaha (Salamat sa binigay mong suporta Gov. Salceda.

Gagantihan ka ng kabutihan ng Diyos!),” say ni Heart. Recently kasi ay nagpahayag ng pagsuporta si Gov. Salceda sa tambalang Grace at Chiz, kasama pa ng mga kilalang pulitiko sa Bicol region.
Samantala, muling nagsalita si Heart tungkol sa “suntukan” issue sa pagitan ng kampo nina Grace at Chiz nang dahil lang sa pera.

Ito na nga ang sinasabi ng Kapuso actress na katotohanang hindi niya matanggap sa mundo ng politika. Kaya nga hinding-hindi raw talaga niya kayang maging politiko. “Hindi talaga totoo ‘yan! Di ba may black eye pa raw? It’s not true! Mahirap talaga. Sobrang hirap, stressful.

Pero nakakatuwa kasi hindi naman ako ang tumatakbo, pero si Chiz ang umaalalay sa akin emotionally and physically. “He’s very cool, very positive, at sa kanya kami kumukuha ng lakas. Kaya lalo akong ginaganahang mangampanya,” ani Heart sa isang panayam.

Read more...