Igan nabuking ang mga sikreto nina Ogie at Regine

arnold clavio

SI Mr. Songwriter Ogie Alcasid ang makakatsikahan ni Igan sa Tonight with Arnold Clavio ngayong Miyerkules ng gabi. Hindi lamang henyo sa musika si Ogie, maging sa komedya ay nabiyayaan din siya ng talent kaya asahan ang kwentuhang puno ng katatawanan.

Sa pamamagitan ng ilang challenge, mabubuko rin ni Igan ang ilang mga kuwento tungkol kay Ogie na hindi pa nalalaman ng kanyang fans. Bukas-puso ring ilalahad ni Ogie ang kwento ng pag-ibig at ilang naging pagsubok sa buhay kasama ang kanyang kabiyak na si Asia’s Songbird at Poor Señorita star Regine Velasquez.

Sa katunayan, ang pinakabagong original na awitin ni Ogie na “Ikaw Ang Buhay Ko” ay alay niya para sa kanyang asawa. At iparirinig ‘yan sa viewers ni Ogie. Huwag palampasin ang Tonight with Arnold Clavio bukas ng gabi, 10:15 p.m. sa GMA News TV.

Speaking of Regine, narito naman ang kailangan n’yong tutukan sa pagpapatuloy ng GMA Telebabad series na Poor Señorita: Aaminin na ni Tero kay Rita (Regine) na hindi siya asawa ni Paeng (Mikael Daez) at ina ng mga bata.

Darating bigla si Paeng kasama ang mga bagets at kakausapin si Paeng. Sinabi nito kay Tero na hindi siya nagte-take advantage sa sitwasyon ni Rita. He’s doing it daw for the kids para magkaroon ang mga ito ng nanay kahit paano.

Dito, nakiusap siya kay Tero na huwag munang sabihin kay Rita ang kanilang sikreto, at least until Rita recovers her memories. Paeng goes to Senorita Scents to talk to Deborah (Snooky Serna) to find out if she knows something about Rita’s condition.

Nakita niya si Deborah pero hindi siya pinapasok sa building ng mga security guard. Ayaw namang tigilan ni Daniel si Deborah kaya kinuha niya ang serbisyo ni Kilmer (Kevin Santos) para maging bodyguard niya. Kailangang gisingin niya ang amo kapag binabangungot siya.

The day for Mr. Pabibo talent contest arrives. Apol (Miggs Cauderno) is understandably nervous until Rita gives him a pep talk. Apol performs “Ang Masungit na Senorita,” for which he receives a round of applause from the audience. Tuwang-tuwa ang bagets.

At dahil dito, papasok sa final round ng talent show si Apol. Pero nang dumating na ang question and answer portion, dito na nagkaproblema ang bata. Nagsimulang magsigawan ang audience, tinawag nilang walang alam si Apol. Siyempre, to the rescue naman ang kanyang ate Rita.

Read more...