Roxas, Binay pumirma ng ‘truth’ covenant

binay-roxas
PUMIRMA kahapon sina Vice President Jejomar Binay at Liberal Party sa isang covenant para sa makatotohanan at malinis na halalan matapos namang dumalo sa misa sa Manila Cathedral isang linggo bago ang eleksiyon sa Mayo 9.
Tanging sina Binay at Roxas lamang ang sumipot sa Cathedral kung saan pinangunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang misa bago ang pagpirma sa covenant.

Nangangahulugan ang paglagda sa Truthful, Responsible, Upright, Transparent and Honest (TRUTH) Elections na nangangako ang mga kandidato nasusuportahan ang karapatan ng mga botante, hindi papairalin ang “politics of personalities and patronage,” at ang hindi paggamit ng “guns, goons and gold.”
“The blessing of being elected as representative of the common good also has its corresponding responsibilities,” sabi ni Tagle sa kanyang sermon.
No show naman sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte, Sen. Grace Poe at Sen. Miriam Defensor-Santiago.

“Mayroon din tayong obligasyon na palaging makinig sa mga taong isinasakatawan niya. Mayroon din tayong obligasyon na linawin sa kanyang sarili, what does human dignity, what does human right, really mean? What does common good entail?” dagdag ni Tagle.
Kasamang dumalo ni Roxas ang kanyang asawa si Korina Sanchez, samantalang kasama naman ni Binay ang kanyang anak na si Sen. Nancy Binay.
Nagbatian naman at nagkamay pa sina Binay at Roxas.
Sinabi naman ni Sen. Binay na naging maaayos naman ang pagkikita nina Binay at Roxas.

“I guess natutunan ko sa daddy ko na ‘wag magtanim ng sama ng loob,” ayon pa kay Binay.

Read more...